MANILA, Philippines - Dedo ang isang lalaki na maraming tattoo ang katawan nang ito ay barilin sa harap ng isang computer shop sa Barangay Tandang Sora, Quezon City kahapon ng madaling araw.
Ang nasawi ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 30-35; nakasuot ng kulay asul na t-shirt; asul na jacket, at asul na maong pants, may tattoo sa dibdib na “Jhonaline”, “Ringor”,”Crista Reyes”, “Bernadette” at “Sputnik”, habang sa likod naman ay markang “Joey”, “Eric”, at “James”.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay nakatayo ang biktima sa harap ng Meet-Ups Internet cafe na matatagpuan sa Mercury St., kanto ng Neptune St, Congressional Subdivision nang ito ay lapitan ng hindi pa kilalang lalaki at malapitang pagbabarilin ng apat na beses gamit ang kalibre 45 baril.