Shootout: Karnaper bulagta

MANILA, Philippines – Bulagta ang isang notoryus na karnaper matapos umiwas sa PNP checkpoint at makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Viola Highway sa Barangay Talacsan, bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napatay na sinasabing alyas Kalili at Donkey.

Base sa ulat ng pulis­ya na isinumite kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina,  nagmamando sa checkpoint ang pangkat ni P/Supt. Orlando Castil Jr. nang mamataan ang motorsiklo ni Kalili na paparating.

Imbes na huminto sa PNP checkpoint ay umiwas ito at pinaharurot ang kanyang motorsiklo kaya napilitang habulin ng pulisya kung saan naganap ang shootout.

Narekober kay Kalili ang isang cal. 9mm pistol na may mga bala at motorsiklo na pag-aari ng security guard na si Jay-R Añonuevo na sinasabing ninakaw noong Agosto 29, 2015.

 

Show comments