MANILA, Philippines – Nahalal bilang bagong presidente ng Bureau of Customs Press Corps (BOCPC) ang radio broadcaster ng DZRH na si Andy Verde na isang kolumnista ng Bagong Sagad.
Ang BOCPC ay ang organisasyong kinikilala ng pamunuan ng Customs nuong panahon ni dating BOC Commissioner Ruffy B. Biazon at sa kasalukuyan na kung saan dumaan ito sa masusing pagsasala.
Ang nasabing organisasyon ay bukas naman sa lahat ng mga mamahayag, kung sino ang nais maging kabilang sa samahan, ay kinakailangan sumunod sa Customs Memorandun Order, na dapat ang bawat pahayagan, radio, at television ay magsumite ng DTI, BIR, Mayor’s Permit at accreditation letter mula sa kanilang editor.
Ang mga nahalal na iba pang opisyal ng BOC Press Corps ay sina Mae Geduriagao (Waterfront News)- Vice President; Ann Araniego (Challenger News)- Secretary;Mina Navarro (Balita)-Treasurer; Mitos Garcia (Now News)- Auditor; Director’s Roland Jota (On the Spot News), Bernie Anabo (Peoples Brigada), Rey Salao (X-Files/Police Files), Bong Son (Hataw), Dexter Osalvo (Police Files), Reynante Salgado (Now News), Pasky Natividad (Saksi/Bomba Balita), Art Gallego (Now News), Jun Mabanag (Manila Star), at Francis Rivera (UNTV).