LP tuloy ang pag-nominate ng ka-tandem ni Mar

MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni Senate President Franklin Drilon na tuloy na sa Miyerkules, Setyembre 30 ang pagno-nomina ng magiging running mate ni Secretary Mar Roxas na pambato ng Liberal Party sa pagka-presidente sa eleksiyon sa susunod na taon.

Bukod sa pagno-nomina ng kanilang vice presidential candidate ay ihahayag na rin ang mga kandidato sa pagka-senador.

Kasama sa listahan sina LP senators Ralph Recto, Teofisto “TG” Guingona, dating senator Francis “Kiko” Pangilinan at Secretary Leila De Lima at kung hindi umano nila makukumpleto ang lista­han ng 12 kandidato kahit pa 15 na ang kanilang nasa shortlist ay kukumpletuhin nila ito bago ang deadline ng paghahain ng certificate of candidacy.

Patuloy ang pakikipag-usap ng LP kay Congresswoman Leni Robredo na nais ni Pangulong Benigno Aquino III na maging runningmate ni Roxas.

Show comments