Justice Carpio hindi pakawala ng Malakanyang

MANILA, Philippines – Hindi umano  pa­kawala ng Malakanyang  si Supreme Court Associate Justice Carpio, chairman ng Senate Electoral Tribunal sa naging opinyon nito hinggil  sa citizenship issue ni Sen. Grace Poe na nililitis ng tribunal.

Kaya’t agad dumistansiya ang Ma­lakanyang sa isyu ng citizenship ni Poe matapos sabihin ni Carpio na isang naturalized Filipino at hindi natural born Filipino ang senadora.

Ikinatwiran ng kalihim na isang independent body at kapantay ng ehekutibo ang Senate Electoral Tribunal na binubuo ng mga senador at  ilang mahistrado ng Korte Suprema.

Anya, hindi dapat makatwiran na mabahiran ng pulitika ang pro­sesong umiiral sa SET kung walang ipinapakita kongkretong ebidensya at hayaan na lang ang mga miyembro nito na magdesisyon sa kaso ni Poe dahil hindi magiging responsable na gumawa ng anumang espeku­lasyon.

Show comments