MANILA, Philippines – Sa susunod na linggo ay ihahayag na ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas kung sino ang kanyang mga magiging Bise Presidente sa 2016 elections.
Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, chairman ng Political and Electoral Affairs ng LP na sa Setyembre 28 ay ihahayag sa Club Filipino kung sino ang magiging ka tandem ni Roxas gayundin ang kanilang senatorial line up.
Ayon kay Erice na maging sila ay hindi pa rin alam kung sino na ang napili ni Roxas na dumaan umano ang selection process sa National Executive Council ng LP.
Sa ngayon sa mga senatorial candidate ang napipili pa lamang nila sa line up ay sina Senators Ralph Recto,Franklin Drillon, TG Guingona at Kiko Pangilinan.