Hindi gumamit ng overpass, tepok sa taxi

MANILA, Philippines – Isang 35-anyos na  lalaki ang idineklarang dead-on-arrival matapos na masalpok ng taxi habang tumatawid sa ilalim ng overpass kahapon ng hatinggabi sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang sina Noel de Guzman, 35-anyos, ng Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sumuko naman ang  suspek na si Rodrigo Magtalas, 59, driver ng ER Taxi AA1-9002 at nakatira  sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa imbestigasyon  ng QC-Traffic Sector 6, dakong alas-12:00  ng  hatinggabi ay matulin ang takbo ng suspek sa kahabaan ng EDSA.

Pagsapit sa kanto ng Quezon Avenue tapat ng Eton  Centris Mall ay bigla na lamang  tumawid sa ilalim ng overpass si De Guzman at nasalpok ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Show comments