Parak utas sa ambush ng NPA

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang pulis habang malubhang nasugatan ang isa pa nang tambangan sila ng hindi pa madeterminang bilang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na ambush sa Cortez, Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ni Inspector Paul Paden, nakatalaga sa operations ng Surigao del Sur Police ang nasa­wing biktima na si SPO4 Jesus Labastilla, team leader ng Patrol 101 na nagpapatrulya sa Purok 5, Brgy. Poblacion, Cortez ng lalawigang ito.

Nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang sugatang si PO2 Joy Tiraja. Habang nakaligtas ang dalawang kasama­han.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga ay nagpapatrulya ang apat na pulis sa lugar nang pagbabarilin sila sa grupo ng mga rebelde na nasa mataas na bahagi sa lugar na agad ikinasawi ni Labastilla.

Nagkaroon pa ng 15 minutong putukan sa pagitan ng mga pulis at ng mga rebelde bago ang mga ito nagsitakas patungo sa direksyon ng kagubatan.

 

Show comments