Pamangkin ni Mayor Calixto dinakip sa pagnanakaw ng aso

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga pulis ang isang 46-anyos na la­laki na umano ay pamangkin ni Pasay City Mayor Antonino Calixto dahil sa reklamo ng pagnanakaw ng imported na aso na pag-aari ng kanyang tiyahin kamakalawa.

Ang suspek na inaresto sa kanyang bahay ay kinilalang si Gilberto Calixto-Serrano, 46, nakatira sa #165 San Juan St., Pasay City.

Ipinahuli ito ng kanyang tiyahin na kapatid ni Mayor Calixto na si Yolanda Gallardo-Calixto, 68, ng #167 San Juan St., ng naturang lungsod dahil sa pagnanakaw sa alaga nitong aso na Shitzu at ibinenta sa  halagang P7,000.00.

Nakuhanan pa ang suspek ng isang teabag nang pinatuyong dahon ng marijuana.

Show comments