NTC bubusisiin na ang bilis ng internet

MANILA, Philippines - Upang malaman kung sinusunod na ng mga telephone companies ang naipapangakong bilis ng internet gaya ng kanilang mga commercials kumpara sa naibibigay na serbisyo sa kanilang mga kliyente ay bubusisiin na ito ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon kay Engr. Edgardo Cabarrios, direktor ng NTC kung 1Mbps ang speed limit nila gaya ng pinapakita sa kanilang mga commercials, dapat ganito rin ang naibibigay na speed limit sa mga kliyente.

Sinabi ni Cabarrios na oras na pagsabihan ang mga service providers at iisnabin sila ay agad nila itong dadalhin ang reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mas matinding parusa.

 

Show comments