P1-M ari-arian, naabo

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa P1-milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang mga kabahayan sa ilalim ng flyover sa Barangay Poblacion, bayan ng Datu Piang sa Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Maguindanao PNP provincial director P/Senior Supt. Rex Anongos, nakontrol ang apoy bandang alas-10:45 ng gabi kung saan naabo ang 22-bahay na naitayo pa noong1950 kaya mabilis itong tinupok ng apoy.

Kinumpirma ni BFP-Datu Piang chief SFO4 Suwaid Quitwar, bago naganap ang sunog, nagsimula ang apoy sa kable ng kuryente malapit sa bahay ng negosyanteng si Dhats Tiu hanggang sa kumalat sa ibang bahay.

Magkakatuwang ang mga miyembro ng pamatay-sunog mula sa Maguidanao at Midsayap kaya kaagad na naapula ang apoy.

 

Show comments