2 delivery boy itinumba

MANILA, Philippines – Dalawang delivery boy ang napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Navotas City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Milky Estrella, 25, ng Block 25, Phase 1, Barangay North Bay Boulevard South at Edgar Nollas, 26, ng Velasquez St., Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ronnie Garan ng Navotas City PNP, si Estrella ay pinatay sa saksak ng  dating nakaalitang suspek na si Jayson Landicha matapos magkrus ang kanilang landas.

Samantala, si Nollas naman ay niratrat ng mga di-kilalang lalaki habang nakikipag-inuman sa kanyang pinsan sa Everlasting Street, Barangay  North Bay Blvd. South sa nasabing lungsod.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na magkasunod na krimen.

Show comments