16-anyos ni-rape/slay ng criminology student

MANILA, Philippines – Isang estudyante na kumukuha ng kurso para maging pulis sa hinaharap ang inaresto ng pulisya matapos na gahasain at patayin ang isang 16-anyos na dalagita sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang suspek na naaresto sa isang follow-up operation ay kinila­lang si Olecher Gamal, 20-anyos, criminology student sa Yllana Bay View College sa lungsod at residente ng Brgy. Logmot, Tigbao ng lalawigan.

Lumalabas sa im­bestigasyon na dakong alas-7:40 ng umaga noong Sabado nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Rechilyn Mallo, 16, estudyante ng St. Columban College ng kapatid nitong lalaki sa loob ng silid nito na walang saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan habang nakahiga sa kama.

Ang suspek ay natukoy matapos na may makakita rito na nagmamadaling lumabas sa bahay ng biktima.

Inamin naman ng suspek na hinalay at pinatay niya ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal dito nang ito ay pumalag.

Show comments