Ex-Army inutas ng tandem

MANILA, Philippines – Patay ang 41-anyos na dating miyembro ng Philippine Army  makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Mandih, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si  ret. Philippine Army enlisted personnel Aristotle Gallo, biyudo at nakatira sa nasabing lugar.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang lapitan at ratratin ng tandem bandang alas-8 ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na nagawa pang maisugod sa Sindangan District Hospital subalit binawian na ito ng buhay.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang maaresto ang mga suspek.

 

Show comments