MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na Canadian national ang umano’y nagpakamatay sa pamamagitan nang pagpapakalunod sa chemical gas na ibinalot sa kanyang ulo sa loob ng inuupahan nitong hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na natagpuang patay ay kinilalang si Terrance Gregory Mc Mullin, tubong Toronto, Canada, nanunuluyan sa Linear Condominium, Mayapis, St., Makati City at pansamantalang nag-check-in sa Amazonia Hotel, sa MH del Pilar kanto ng Sta. Monica Sts., Ermita simula noong Agosto 30, 2015.
Batay sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi nang matuklasan ang bangkay ng biktima ng hotel front desk na si Arlyn Silva.
Ayon kay Silva, nagbayad sa check in ng hanggang alas-12:50 ng hapon ng Setyembre 1 na pumasok noong Agosto 30 ganap na alas 12:50 ng hapon.
Nang lumagpas sa chek-in time ay hindi pa umano lumalabas ang biktima hanggang sa tawagan ito kinabukasan para tanungin kung mag-eextend pa ng araw, subalit hindi sumasagot.
Nang umabot na ng gabi ay nagpasiya na lamang na buksan ang silid ng biktima gamit ang duplicate key at doon natuklasan na patay na ito.
Nakabalot ng itim na plastic ang ulo ng biktima na may nakasingit na hose na nakakonekta naman sa isang maliit na tangke na may lamang Helium gas.
Base sa suicide note na natagpuan sa safetybox na gamit ng biktima ay may problema ito sa kanyang pamilya.