MANILA, Philippines - Tapos na kahapon ang mga kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa buong bansa matapos na lisanin ng mga miyembro ng INC ang EDSA, Shaw Boulevard, Mandaluyong City kaya’t balik na sa normal ang daloy ng trapiko.
Nagsimulang magtipon ang mga miyembro ng INC sa harap ng tanggapan ng DOJ para iparating sa pamahalaan ang pagtutol ng mga ito sa umano’y pakikialam ng pamahalaan sa kanila.
Iginiit ng mga miyembro ng INC na may special treatment si Justice Secretary Leila De Lima sa reklamong illegal detention na isinampa ng isang dating ministro laban sa mga miyembro ng Sanggunian ng grupo.
Ayon kay INC General Evangelist Ka Bienvenido Santiago, nagkausap na ang panig ng INC at ng pamahalaan at nagkapaliwanagan na ang mga ito
kaya’t nagpasya silang tapusin na ang demonstrasyon.
Agad namang nilinis ang mga tauhan ng Mandaluyong City at Metro Manila Development Authority ang mga naiwang kalat ng mga nagsipag-rally.