Sugatang NPA namatay sa pagkaubos ng dugo

MANILA, Philippines – Malaki ang paniwala ng mga otoridad na namatay sa pagkaubos ng dugo ang isang sugatang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan matapos ang engkuwentro kamakailan sa Brgy. Little Baguio, Malita, Davao del Sur, ayon sa opisyal ng militar kahapon.

Sinabi ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP–Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom), dakong alas-2:00 ng hapon kamakalawa nang marekober ng mga sundalo ang bangkay ng lalaking rebelde sa isinagawang pursuit operation sa lugar.

Nabatid na nakasagupa ng tropa ng militar  ang grupo ng mga rebelde sa nasabing lugar nitong nakalipas na limang araw kung saan posibleng inabandona ang sugatang kasamahan.

Posible anyang nabuhay ang nasabing rebelde kung naisugod lamang ito sa pagamutan.

Show comments