75-anyos na ina, pinatay ng anak

MANILA, Philippines – Isa nang bangkay  ng matagpuan ang isang 75-anyos na ina nang ito ay mapatay ng kanyang anak sa Subic, Zambales kamakailan.

Ang nasawi ay kinilalang si Elenor Lobo; 75, at ang suspek na anak nito ay si Ricky Lobo; 44, kapwa residente ng Sitio Nagyantoc, Barangay Cawag.

Ayon sa imbestigasyon na bago natagpuang patay ang biktima ay narinig ng mga kapitbahay dakong-3:00 ng hapon noong Martes na nagtatalo ang mag-ina at kasunod ay narinig nila ang pagpalo ng anak sa ina.

Makalipas ang dalawang oras dumating ang asawa ng suspek na si Marife Lobo at dito niya nakitang nakahandusay ang biyanan at wala ng buhay.

Humingi ng tulong si Marife sa kalapit na bahay at inireport  sa pulisya kaya’t naaresto ang suspek na nasa impluwensiya ng alak.

Show comments