Lolo na nagdya-jogging dedo sa motor

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 67-anyos na lolo na si Nicanor Angeles ng mabagok ang ulo nito sa sementadong kalye matapos na masalpok ng isang motorsiklo na minamaneho ni Christian Crisostomo habang nagdya-jogging sa  Marikina City kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga ay nagdya-jogging ang biktima sa FVR Road malapit sa Marcos Bridge na regular  nitong ginagawa at nang pagtawid nito ay siyang pagdating ng motorsiklo ni Crisostomo at nasalpok ito.

Sinabi ni Crisostomo, hindi kaagad siya nakapagpreno nang biglang tumawid ang matanda sa kalsada.

Galit na galit ang pamilya ng biktima, lalo na’t palaging trapik sa lugar ngunit mabilis ang patakbo ng suspek na sasampahan nila ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments