Misis tumanggi sa sex, mister nagbigti

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ng kumot ang isang mister matapos na siya ay tanggihan ng kanyang misis na sila ay mag-sex naganap kamakalawa sa kanilang bahay sa Brgy. Sta. Cruz 1, Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rommel Acosta, 27, vendor, may-asawa residente ng Blk. 19, Lot 11, ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, bago nadiskubre ang pagbibigti ng biktima ng kanyang lola dakong alas-2:00 ng hapon ay nagkaroon muna sila ng pagtatalo  ng kanyang misis dahil ayaw nito na sila ay mag-sex.

Inisip ng biktima na may ibang lalaki ang kanyang misis kaya ayaw pumayag na sila ay mag-sex kaya’t naisipan nitong magbigti gamit ang kanilang kumot.

Show comments