LPG blast: 11 nasugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang 11 katao kabilang ang pitong bata matapos na lumikha ng sunog ang sumabog na  liquified petroleum gas (LPG) kamakalawa sa Brgy. Lungos, Kalayaan, Laguna.

Kinilala ang mga biktima na sina Aira Thea Indente, 7; Geraldine Villanueva, 5; Genalyn Belgica, 13; Bernadette Berin, 6 ; Jeng Belgica, 16; John Efren Belgica, 7; Princess Chloe Belgica, 5; Daisy Liquigan, 24; Roderick Belgica, 39; Ester Belgica, 75  at  Richard Belgica, 36.

Mabilis na isinugod sa Pakil Hospital ang mga ito, subalit sa kadahilan sa kulang sa pasilidad sanhi ng malubhang pagkasugat ng mga biktima  ay agad inilipat sa Phi­lippine General Hospital.

Batay sa ulat, naganap ang pagsabog nang sumi­ngaw ang LPG dakong alas-6:30 ng gabi na lumikha ng sunog na malubhang ikinasugat ng mga biktima.

Ang sumingaw na LPG ay mula sa bahay ni Ester Belgica na lumikha ng sunog sanhi ng nakasinding kandila sa tindahan.

Show comments