Pulis-Batangas binaril sa mukha

MANILA, Philippines – Isang pulis ang binaril at napatay ng nag-iisang lalaki kahapon ng umaga sa bayan ng San Pascual, Batangas.

Kinilala ni Senior Superintendent Omega Jireh Fidel, Batangas Police director, ang biktima na si  PO3 Pancho Aguilar Jr., na nakadestino sa Batangas City police station.

Batay sa ulat, dakong alas-11:25 ng umaga ay nakaupo sa loob ng kanyang kotse ang biktima nang ito ay nakatanggap ng tawag sa kanyang cellphone.

Kaya’t lumabas ito ng kanyang sasakyan nang sumulpot mula sa  likuran nito ang suspek at kinalabit ang biktima.

Nang lumingon ang biktima ay dito siya binaril ng suspek na armado ng kalibre .45 baril sa mukha.

Naisugod pa sa St. Camillus Hospital sa Batangas City ang biktima, subalit ay idineklarang dead-on-arrival.

Agad na nagsagawa ng pursuit operation ang mga pulis at naaresto ang suspek na kinilalang si Joemar Marquez sa kanyang apartment sa Barangay Poblacion, San Pascual, Batangas.

Show comments