3 holdaper utas sa shootout

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng bigtime robbery hold-up group ang nasawi nang makipagbarilan sa mga otoridad na sumalakay sa kanilang pinagkukutaan kamakalawa sa Brgy. Langkaan 2, Dasmarin?as City, Cavite.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Rolando Villena Jr. alyas Cobra; Ronald  Salamat alias Onad at Jun Muslim pawang mga residente ng City Homes Subdivision, Brgy. Langkaan 2 ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout ay nakatanggap ang pulisya mula sa ilang concern citizen na may namataan silang mga armadong kalalakihan sa loob ng nasabing subdivision.

Nagsagawa nang surveillance ang pulisya at ng masiguro na positibo ang nasabing impormasyon ay isinagawa ang isang operasyon at tinungo ang lugar ng mga suspek.

Pinasusuko ng mga pulis ang mga suspek, subalit sa halip na sumuko ay pinaputukan ng mga ito ang mga una.

Gumanti ng putok ang mga pulis sa mga suspek na ang palitan ng putok at habulan ay tumagal lang ng  ilang minuto hanggang sa bumulagta ang tatlong suspek.

Ang grupo ay tinaguriang Villena Robbery Hold-up Group na pinamumunuan ng napatay na si Villena na siyang nagsasagawa nang holdapan sa Cavite at karatig na lalawigan.

 

Show comments