Suspek sa panloloob sa bahay ng anak ni ex-Sen. Lacson, tiklo

MANILA, Philippines - Naaresto sa ikinasang follow-up operation ng Parañaque City PNP ang pintor na itinuturong nanloob sa  bahay ng anak ni dating Senador Panfilo Lacson sa Cypress Drive, BF Homes sa nasabing lungsod noong nakalipas na linggo.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Julio San Lorenzo, 39, ng C.A.A., Las Piñas City. 

Ayon sa 41-anyos na biktimang si Ronald Jay Lacson, dakong alas-4 ng Linggo ng madaling araw nang pasukin ng mga kawatan ang kanyang bahay at tangayin ang mga gadgets tulad ng laptop, cellular phone, at isang malaking bag na naglalaman ng iba pang gamit.

Nakita umano niya si San Lorenzo na palabas na ng kanilang bahay nang magising siya ng madaling araw para magtungo sa palikuran. 

Agad na nakilala ito ni Lacson dahil sa minsang pagpipintura nito ng bahay na kanyang kinontrata

Posible umanong kinabisado ng suspek ang loob ng bahay at lumusot sa likurang bintana para makapasok at makapagnakaw.

 

Show comments