Dalaga nalunod sa dagat

MANILA, Philippines – Isang 30-anyos na dalaga ang nasawi habang nakaligtas naman ang dalawa nitong pinsan matapos na sila ay malunod habang lumalangoy sa karagatan ng Brgy. Sta. Cruz, Dapitan City, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Analiza Baquir, ng Brgy.Ba-ao, Dapitan City. Habang nailigtas ng dumadaang mangingisda ang pinsan nitong sina Nating Pactol at Victoria Tinaytay.

Batay sa ulat bago  naganap  ang insidente  dakong alas-4:50 ng hapon sa karagatan ng Punto des Embarco  sa Brgy. Sta. Cruz ng lungsod ay masayang lumalangoy ang magpipinsan nang biglang umihip ang malakas na hangin at tangayin ang mga ito  ng dambuhalang alon.

Ang katawan ni Ba­quir ay narekober malapit sa seawall matapos ang dalawang oras.

Show comments