Kasambahay sinumpong ng depression, tumalon sa gusali

MANILA, Philippines - Dahil umano sa nararanasang depression ay nagawa ng isang 53-anyos na kasambahay ang magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa ikaapat na gusali ng pinapasukan nito kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Nelly Rosaroso, 53, stay-in kasambahay sa #7845 Solchuaga St., Barangay Tejeros ng naturang lungsod.

Nabatid na dakong alas-7:20 ng umaga ay nasa laundry area ang biktima na nasa ikaapat na palapag nang bigla na lamang itong tumalon.

Ayon sa kasamang kasambahay ng biktima na bago ang insidente ay kinakitaan  ang biktima na laging malungkot.

Show comments