Bayan Muna member itinumba

MANILA, Philippines – Isang  miyembro ng militanteng grupong Ba­yan Muna ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem kahapon ng umaga sa highway ng Brgy. Naje  Arakan, North Cotabato.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Jose Hernal Gulmatico, kilalang aktibong miyembro ng Bayan Muna.

Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga ay nakatayo ang biktima sa lugar nang bigla na lamang sumulpot ang mga salarin at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon ang mga suspek.

Show comments