Mister pinatay sa pambubuli

MANILA, Philippines – Bumulagta ang 53-anyos na dating bumbero matapos itong saksakin ng kanyang striker dahil sa pambubuli kamakalawa ng gabi sa Barangay Pitogo sa Makati City.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Norberto Niangar ng #1247 Jacinto Street, Barangay Pitogo sa nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si John Paul Salvador, 19, ng #787 Masbate Street sa nasabing barangay.

Base sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City PNP, naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Masbate Street sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na kinompronta ng biktima ang suspek kaugnay sa pambu-bully na ginagawa nito sa mga construction worker.

Gayon pa man, pansamantalang umalis ang suspek subalit pagbalik ay inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Show comments