Mister problemado sa misis, nagbigti

CEBU, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 22-anyos na mister na sinasabing problemado sa kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Besa, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO2 Hermogenes Capili ang biktima na si Val Uykieng ng #153 Sitio Pajo sa nasabing barangay.

Nadiskubre ang katawan ng biktima bandang alas-5:30 ng hapon matapos umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ang 11-anyos na utol nito.

Lumitaw sa imbestigasyon na madalas mag-away ang mag-asawa dahil tumatanggi ang misis na tumira sa kanilang bahay kung saan patuloy pa rin ito nanunuluyan sa kanyang mga magulang.

Show comments