Lady reporter pumalag sa snatcher

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang lady reporter ng ABS-CBN network matapos itong makaladkad ng motorsiklo na lulan ang lalaking snatcher na nagtangkang hablutin ang bag ng una sa bisinidad ng Scout Fernandez Street sa Barangay Sacred Heart, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Carolyn Bonquin na bagama’t hindi nakuhanan ng anumang gamit ay nagtamo naman ng sugat sa kanyang kamay at braso.

Nabatid na papauwi na ang biktima matapos na bumili ng pagkain nang salubungin ng snatcher na nakamotorsiklo.

Biglang hinablot ng suspek ang shoulder bag ng biktima, subalit pu­malag ito at hindi binitiwan ang bag kaya nakaladkad ng ilang metro.

Gayon pa man, nagpasya ang snatcher na tumakas dahil hindi binitiwan ng biktima ang kanyang bag.

Show comments