Talamak na smuggling sa BOC patuloy

MANILA, Philippines – Ibinulgar at kinuwestiyon ng grupong Guardians International ang mga hindi deklaradong 89 container van sa Bureau of Customs (BoC) na mahigit na dalawang linggo ng nakabinbin.

Sa isang pulong balitaan kahapon sa isang restaurant sa Pasay City ay ibinulgar ni dating BoC intelligence officer at confederation chairman ng Guardians International Dr. Chrisler Cabarrubias ang umano’y talamak na smuggling sa nasabing ahensiya batay sa impormasyon na ibi­nigay sa kanya ng isang Naval intelligence officer na ayaw magpabanggit ng  pangalan.

Sangkot anya sa anomalya ang ilangmatataas na opisyal ng BoC kaya’t ipinag-utos ni BoC Commissioner Bert Lina na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil dito.

Ibinulgar nito na sangkot ang mga opisyal na su­misira sa matuwid na daan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nakatakdang idulog ng grupo sa DOJ at Senado ang  mga anomalya sa BOC na kinasasangkutan ng ilang opisyal.

Show comments