Gng. Arroyo pinayagan dumalaw sa burol ng utol

MANILA, Philippines - Tatlong araw lamang pinayagan ng Sandiganbayan para madalaw ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang burol ng namayapang kapatid na si Arturo dahil sa stage 4 prostate cancer.

Umpisa kahapon, ngayon at Biyernes sa ganap na alas-4:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi pinayagan makadalaw si Gng. Arroyo ng Sandiganbayan 1st Division.

 Ang hakbang ay ginawa ng graft court bilang tugon sa 5 days furlough na nais ni Arroyo para makapunta sa burol ng kapatid sa Heritage Park sa Taguig City.
Una nang pinayagan si CGMA ng Sandiganbayan na madalaw ang may sakit na kapatid sa Makati Medical Center sa loob ng 5 oras mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi pero dahil binawian na ng buhay ang kapatid ay minabuting 5 araw na lamang ang hingin nitong furlough para sa burol at libing ng kapatid.

Show comments