Walang tubig: Klase sa Maynila at Pasay suspendido

Namahagi ng tubig ang mga bumbero mula sa Association Fire Chiefs and Firefighters  of the Phlippines sa Anak Bayan, San Andres Bukod, na apektado ng isinasagawang proyekto ng Maynilad. Edd Gumban

MANILA, Philippines - Suspendido ang klase sa ilang paaralan sa Maynila at Pasay City kahapon at ngayong araw dahil sa pansamantalang kawalan ng tubig.

Walang pasok sa Torres High School; Lakandula High School; M. L. Quezon High School; F. Calderon High School; F. Calderon Elementary School pawang nasa District 2.

Sa District 3 ay T. Alonzo High School; C. Arellano High School; Raja Soliman High School.

District 5 ay ang Manila Science High School;
Manila High School; Araullo High School; Justo Lucban Elementary School; A. Quezon Elementary School; E. Delos Santos Elementary School.

Nag-anunsiyo na rin ang Pasay ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas mula kahapon  hanggang Agosto 12 dahil sa pansamantalang kawalan ng tubig dulot ng ginagawa ng Maynilad.

Nagsimula ang water service interruption noong  Lunes, 1:00 ng hapon at tatagal hanggang 10:00 ng gabi sa Huwebes.
Magpapatuloy naman ito sa Agosto 17, 1:00 ng hapon hanggang 3:00 ng hapon sa Agosto 18.

Ang water interruption na pinatutupad ng Maynilad ay bunsod ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Show comments