Protein shake ban sa merkado

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng mga body builder at mga mahilig mag-gym na mag-ingat sa pag-inom ng isang ng protein shake.

Batay sa inilabas sa FDA advisory 2015-055, ipinapa-ban sa pamilihan ang ProMatrix 7 Multiple Source Protein na may variants/flavor na Triple Chocolate at Strawberry Ice Cream. 

Nakasaad na “unregistered” ang naturang food supplement kaya’t malinaw na lumalabag sa Food and Drug Administration Act ang mga nagbebenta nito dahil hindi umano ito dumaan sa pagsusuri ng FDA kaya’t di tiyak kung ligtas itong gamitin.

 

Show comments