Notoryus drug pusher , tiklo

MANILA, Philippines – Arestado ang sinasabing notoryus drug pusher na kabilang sa top 5 drug personality sa Marikina City sa isinagawang buy-bust operation sa bisinidad ng Kamunu Street sa Barangay Calumpang sa nabanggit na lungsod kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Daniel Santos, 39, may-asawa, ng  Brgy. Calumpang sa nasabing lungsod. Nasamsam sa suspek ang limang plastic sachet ng shabu at P5,000 mark money na ginamit ng mga tauhan ng PNP Anti-Illegal Drugs–Special Operations Task Group (SAID-SOTG).

Show comments