MANILA, Philippines - Natagpuang nakabigti ang isang 36-anyos na bading gamit ang sinturon sa loob ng banyo ng inupahang motel sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.
Ang biktima na nakilala batay sa nakuhang ID sa kanyang katawan na si Angelo Santos Aventurado, accountant, tubong Asinas Proper, Subic, Zambales.
Sa ulat dakong alas-10:30 ng umaga nang madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng Anthony Lodging Inn sa CM Recto Avenue, Quiapo.
Sa salaysay ng kaibigan ng biktima na si Raymund Campo, 35, alas-10:00 ng gabi noong Huwebes ay isang lalaki ang kasama ng biktima na pumasok sa lodging inn at matapos niyang maligo ay iniwan niya na ang dalawa upang siya ay mag-karaoke.
Pagbalik nito kinabukasan ay pinagkakaguluhan ang loob ng inokupang silid ng biktima sa ika-3 palapag ng motel na kung saan nakitang patay na ito.
May hinala ang pulisya na sobrang depresyon ang dahilan nang pagbibigti ng biktima matapos na kumalat ang sex video nito kaya’t nagbitiw ito sa trabaho nang hindi na umano siya kausapin at walang tigil na pasaringan ng mga kasamahan sa trabaho simula nang ipakalat ang isang sex video ng katrabaho.