Maglolo utas sa salpok ng bus

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang 62-anyos na lolo at ang 12-anyos nitong apong babae matapos na salpukin ng pampasaherong bus ang sinasakyan nilang triycle kahapon sa Tanza, Cavite.

Nasawi noon din si Consorcio Postanes, 62, tricyle driver habang ang apo niya na si Jarenjay Esquillo,12, ay hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Ang suspek ay kinilalang si Marlon Vanderlipe, 41, bus driver ng minibus (DWZ-407), residente ng Timalan Balsahan, Naic, Cavite ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide.

Sa ulat ng pulisya, dakong 5:50 ng umaga ay binabaybay ng  tricycle (QU 3759) na minamaneho ni Postanes ang A. Soriano, Hi-way, Brgy. Capipisa sakay ang apo na ihahatid sa eskuwelahan nang bigla na lang salpukin ng kasalubong na bus.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-overtake ang suspek sa isang minibus at hindi napansin ang triycle ng mga biktima.

Show comments