Pangulo ng homeowners association, itinumba

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang presidente ng isang homeowners association nang ito ay  pagbabarilin kahapon ng umaga sa Taguig City.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala ng armalite ay kinilalang si Datu Abdul, 56, ng #71 Maguindanao St. Purok 3, Barangay New Lower Bicutan at pangulo ng Lot Association sa C-6, Barangay Napindan  ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:50 ng umaga sa Maguindanao St., IRM, Barangay New Lower Bicutan ay nakatayo ang biktima nang sumulpot ang isang lalaki na sakay ng  motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

 

Show comments