Undersecretary ng DND, nag-resign

MANILA, Philippines - Nag-resign na bilang undersecretary ng Department of National Defense (DND) for civil, veterans and Retirees affairs si Eduardo Batac bunga ng kanyang kalusugan at personal na rason.

Ito ang pahayag ni DND public affairs office chief Arsenio Andolong kahapon.

Gayon pa man, pansamantalang hindi muna makapagbigay ng detalye dahil tatanggapin pa lamang ang memorandum kaugnay sa pagbibitiw ni Batac na kasalukuyan naka-on leave.

Natanggap na ni DND Secretary Voltaire Gazmin ang letter of resignation ni Batac kung saan ang posisyon nito ay pansamantalang hahawakan ni DND Undersecretary Honorio Azcueta.

Show comments