2 ginang pinagbabaril

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang ginang nang sila ay pag­babarilin ng mga hindi pa kilalang kalalakihan sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Molave, Zamboanga del Sur, kamakalawa.

Sa unang insidente, dakong alas-6:10 ng gabi nang  pagbabarilin ng riding in tandem ang biktimang si Purisima Alinsug, 46, sa  kahabaan ng Legarda Street, Molave.

Nagawa pang maisugod sa Salug Valley Medical Center, subalit, idineklara itong dead on arrival.

Ang ikalawang insidente nang pamamaril ay nangyari dakong alas-5:30 ng umaga nang pagbabarilin ang biktimang si Marcosa Monteza sa Brgy. Alicia, Molave  nang suspek na natukoy na si Dominador Gumilos.

Nabatid na pinasok ng suspek ang bahay ni Monteza   at pinagbabaril ang ginang sa ulo habang ito ay natutulog na agad nitong ikinasawi.

Nasakote naman ng pulisya sa follow-up operations si Gumilos.

Show comments