MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang electrician makaraang makuryente habang nag-aayos ng mga linya ng kuryente sa isang shop sa loob ng Trinoma Mall sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Ang nasawi ay kinilalang si Avelino Obejas Jr., 52, may-asawa ng Laong Amanza Ville, Almanza 1, Las Piñas City.
Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw ay inaayos umano ng biktima ang kawad ng kuryente sa Level 1 ng Hypert Mart area sa Trinoma nang bigla itong bumuwal sa sahig at nagkikisay.
Agad itinakbo ang biktima ng kanyang mga kasama East Avenue Medical Center, subalit hindi ito umabot ng buhay.