NPA bomber lasog sa dalang IED

MANILA, Philippines – Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang bomb expert ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang sumabog ng wala sa oras ang bombang itinatanim nito sa Purok 1, Brgy. Panibasan, Maco, Compostela Valley, kamakalawa.

Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng mada­ling araw ay itinatanim ng hindi pa nakilalang bomb expert ng NPA re­bels ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa barangay road  sa Purok 1, Brgy. Panibasan, Maco ng lalawigan.

Dahil sa madilim pa ang paligid ay posibleng napagdugtong ng suspek ang maling kawad bunsod upang sumambulat ang bomba.

Ayon kay Captain Alberto Caber, Chief ng Public Affairs Office ng  AFP-Eastern Min­danao Command (AFP-Eastmincom) na ang tropa ng Army’s 71st Infantry Battalion (IB) ay  madalas na dumaraan sa lugar na posibleng target ng NPA bomber.

Show comments