15-anyos sinaksak sa leeg

MANILA, Philippines - Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 15-an­yos na binatilyo na si Mark Justin Nagera matapos na ito ay saksakin sa leeg ng dalawang lalaki na kausap nito kamakalawa ng gabi sa tapat ng isang apartelle sa Roseville 3, Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte.

Batay sa ulat, bago nakitang nakabulagta ang biktima ng mga residente dakong alas-10:40 ng gabi ay may kausap itong dalawang lalaki sa tapat ng apartelle.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pamamaslang sa biktima.

Show comments