Kidnaper/rapist nadakip

MANILA, Philippines - Isang most wanted person na may kasong pa­ngingidnap at panghahalay na kinilalang si Martin Taganna ang nadakip ng mga operatiba ng PNP-Anti  Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Anabu Coastal Road, Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, bandang alas-10:20 ng gabi nang masakote ng pinagsanib na elemento ng PNP-AKG at ng Highway Patrol Group (HPG)  ang suspek sa pinagtataguan nito at nasamsam   ang isang revolver at 12 bala ng nasabing armas.

Ang suspek  ay isang takas na bilanggo kaugnay ng kaso nitong murder sa Leyte Provincial Jail noong Nobyembre 9,  2013 sa kasagsagan ng pana­nalasa ng super bagyong Yolanda.

Ang suspek ay may kaso ring kidnapping for ransom with rape kay Gng. Merly Nedruda Calsis at anak nitong si Raiven del Rosario na nakasampa sa Justice Department.

Show comments