Anak sinaksak ang ama ng ice pick sa ulo, todas

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang ama matapos na siya ay saksakin ng ice pick ng kanyang 22-anyos na anak sa ulo kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinilalang si Resty Rafael, 40, may-asawa, heavy equiptment operator,  no. 2023 Apolonia Street, Mapulang Lupa, ng naturang lungsod.

Ang suspek ay anak nito na nakilalang si Ri­chard Rafael, residente rin ng naturang lugar na agad tumakas.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-amang Rafael ukol sa isang insidente sangkot ang live-in partner ng suspek.

Nagbatuhan ang mag-ama ng bote ng softdrinks hanggang magpambuno at nadaig ng batang Rafel ang ama at nagawa nitong saksakin sa ulo ng ice pick.

Show comments