Belmonte hindi maaalis sa puwesto

Speaker Feliciano Belmonte Jr. ERNIE PEÑAREDONDO

MANILA, Philippines - Dahil sa maraming solidong supporters sa Kamara ay malaki ang paniniwala ni House Speaker Feliciano Belmonte na hindi siya maaalis sa puwesto bilang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Belmonte anumang planong tanggalin siya bilang House Speaker ay hindi mangyayari at tiwala rin ito na matatapos niya ang kanyang termino, kasama ang maraming accomplishments tulad ng pagpapatibay ng mahahalagang panukala.

Ang reaksyon ay sa harap ng mga bantang pagpapatalsik kay Belmonte sa oras na bumalik ang sesyon sa Lunes.

Base pa sa mga ulat, kapag napatalsik si Belmonte, ang ipapalit na Speaker of the House ay ang kaalyado nito sa Li­beral Party na si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento.

Pero, agad itong pina­bulaanan ni Sarmiento dahil wala siyang plano na kunin ang posisyon kay Belmonte at ang lahat ng miyembro ng LP sa Kamara ay mayroong isang prinsipyo.

Si Belmonte ay nahalal bilang House Speaker noong 15th Congress, at na-reelect para sa 16th Congress.

Show comments