Tatay binoga ng dalawang kaaway ng anak

MANILA, Philippines – Matapos na hindi makita ng dalawang hindi kila­lang suspek ang isang binata na may atraso sa kanila sa bahay nito sa Pasig City ay pinagbalingan nila ng kanilang galit ang 44-anyos nitong ama kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Ang biktima na nasa kritikal na kondis­yon sa pagamutan matapos pagbabarilin ay kinilalang si Larry Colase, 44, fruit vendor.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang puntahan ng dalawang hindi pa kilalang suspek ang bahay ng biktima na kasalukuyang natutulog.

Hinanap ng mga ito ang kanyang anak at nang tumanggi ang biktima na ituro kung nasaan ang kanyang anak ay pinagbabaril ito.

Show comments