Alyas Barbie sumalang sa witness stand vs Pemberton

OLONGAPO CITY, Philippines - Iniharap ng prosekusyon ang ikalawang saksi sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na inakusahang pumatay sa Pinoy transgender na si Jennifer Laude noong nakaraang taon sa lungsod na ito.

Sinabi ni Atty. Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude na iniharap kahapon si Mark Clarence Gelvino, na kilala bilang “Barbie”.

Si Barbie ay ang kasama ni Laude sa loob ng bar sa Magsaysay Drive nang lapitan sila ni Pemberton hanggang magkasamang umalis ang biktima at akusado para magtungo sa hotel.

Kahapon ay itinuro ni Barbie si Pemberton mula sa grupo ng mga Amerikano na nasa loob ng korte na nakasama ni Laude bago ito natagpuang patay.

Show comments