10 informer tumanggap ng P4.6-M reward

MANILA, Philippines - Umaabot sa kabuuang P4.6 milyon ang ibinigay na gantimpala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 10 impormante na dahilan para mabuwag ang malalaking sindikato ng illegal na droga sa bansa.

Itinago sa mga pangalang Axcel, Noy, Tolendoy, Paulo, Abel, Brix, Coleen Sarmiento, Cold Ice, Ice at Jun ang mga informer na nakatakip ang mga mukha nang tanggapin ang reward money upang maprotektahan ang kanilang katauhan at pamilya.

Sa lahat ng impormante, tanging si alyas Jun ang nakatanggap ng pinakamalaking halaga ng reward sa halagang P1,929,889.61 na base sa impormasyong kanyang ibinigay sa PDEA Regional Offices 2 at National Capital Region na nagresulta sa pagkakabuwag sa malaking laboratoryo ng shabu at pagkakasamsam sa may 260.25 kilograms ng shabu, 24 kilograms ng ephedrine at ikinaaresto ng limang suspek na nangyari noong Pebrero 26, 2015 sa Barangay Newagac, Gattaran, Cagayan.

 

Show comments