Riding-in-Tandem tiklo

MANILA, Philippines - Nasakote ng nagpapatrolyang pulisya ang riding-in-tandem na holdaper sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina Victor De Guzman, 24, binata, ng Catmon Street, Miramonte Heights, Brgy. 180; at Dexter Pigi, 23, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Assistance Center (PAC 24) dakong alas-5 ng hapon nang maispatan ang mga suspek na  magkaangas sa motorsiklo at may sukbit na baril sa may Capitol Park, Maligaya, Brgy. 177 Camarin, ng naturang lungsod. Agad na sinita ang mga ito ng mga pulis at ng kapakan ay nakuha ang baril na walang kaukulang lisensiya at ang isang pakete na umano’y naglalaman ng shabu.

Ayon sa pulisya, posibleng target ng mga suspek na mangholdap o maaaring may iba pang krimen na gagawin ngunit nasawata nang masakote.

Nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms and ammunitions, deadly weapons at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Show comments